top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Wag dedmahin ang mga batas-trapiko

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 9, 2019
1 min read

Madalas na binabalewala ang mga batas-trapiko sa matataong lugar, partikular sa mga malapit sa pa­aralan.

Ito umano ang dahilan kaya noong 2017, 34 ang nasagasaan sa tapat ng eskuwelahan kung saan ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), 11 rito ay wala pang 10-anyos.

Napakaraming batas-trapiko ang nilalabag ng mga motorista at pedestrian, araw-araw.

Una na rito ang bilis ng pagpapatakbo ng mga motorista kung saan ayon sa joint circular ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH), 20 km/h lang dapat ang bagal ng sasakyan ‘pag malapit sa paaralan.

Ikalawa ang obstruction o pagpa-park sa mga sidewalk kaya walang choice ang mga tao na maglakad na lamang sa kalsada at ikatlo ang hindi tamang paggamit ng pedestrian lane.

Hirit naman ng ilang paaralan, maglagay ng enforcers sa mga ta­wiran para mabantayan ang mga motorista at pedestrian.

Paalala ng MMDA, obligasyon ng mga motorista na magbigay sa mga pedestrian, partikular sa mga mag-aaral.

Napakahalaga ng mga batas-trapiko dahil para ito sa kaligtasan natin kaya bilang mga magulang, responsibilidad din nating ituro sa mga bata ang pagsunod sa mga ito.

Maaaring maiwasan ang mga aksidente sa kalsada kung magiging masunurin ang bawat isa kaya ang mga batas-trapiko, huwag dedmahin!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page