Trak tumaob, 2 dedo

DALAWA ang nasawi matapos tumaob ang 18-wheeler truck sa Sitio Bayabasan, Bgy. Aga, Nasugbu, Batangas.
Alas-9:30 ng umaga, binabagtas ng trailer truck ang naturang lugar kung saan minamaneho ni Jorge Reboldad, 34, may asawa, kasama ang kapatid nitong helper na si Edgar Reboldad, 30, may asawa, kapwa naninirahan sa Pasig City.
Pagpasok nila sa makurbang daan nang biglang nawalan ng kontrol ang trak kaya tuluy-tuloy itong bumaligtad.
Dead-on-the-spot si Edgar habang isinugod sa pagamutan ang driver nito subalit, binawian din ng buhay.





Comments