top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

SA WAKAS, NAGWAGI KONTRA CHINA ANG BATANG GILAS

Alvin Olivar
Jul 8, 2019
1 min read

SA wakas ay nakakuha ng panalo ang Gilas Pilipinas Youth sa FIBA Under-19 Basketball World Cup. Ito ay matapos talunin ng Pilipinas ang China, 86-72, noong Sabado sa classification phase sa Heraklion, China. Namuno sa koponan si Dave Ildefonso pagkaraang gumawa ng 21 points, 6 rebounds at 7 assists para sa Gilas Youth. Nag-ambag din para sa panalo si Carl Tamayo matapos umiskor ng 20 points at 6 rebounds para sa Gilas Youth. Tumulong din si James Spencer at Rhayyan Amsali para sa Gilas Youth sa kanilang pag-iskor ng tig-11 points sa laro kontra China.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nakaharap ng Gilas Pilipinas Youth ang New Zealand sa laro para sa 13th place sa kompetisyon.Kumalas ang Gilas Youth sa third quarter matapos umiskor ng 31 kontra sa 20 na binuslo ng China para makuha ang 72-55 na abanse sa pagpasok ng fourth quarter.Ikinagalak ng Gilas Youth ang panalo laban sa China matapos ng masalimuot na kampanya sa group stage ng torneo. Natalo ang Gilas Youth kontra Greece, Argentina at Russia sa Group C bago nadaig ng Serbia sa round-of-16. Hindi pa rin naging mapalad ang Gilas Youth sa pagsisimula ng classification round matapos matalo kontra Australia, 82-60.Gumawa ng 13 points si Ildefonso habang 12 points at 12 rebounds ang itinala ni Kai Sotto sa naturang pagkatalo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page