Patay na pusa at tao
- BULGAR

- Jul 8, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Irish ng Irish_ Booc@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako na maraming patay na pusa at tao, tapos, napanaginipan ko na naggo-grocery daw kami ng asawa ko, pero pitong taon na siyang patay.
Ano ang ibig sabihin nito?
Salamat!
Naghihintay,
Irish
Sa iyo Irish,
“In death there is life”, ito ay batas ng katalagahan na umiiral sa mundo. Medyo makatindig-balahibo ang katotohanang ito. Kaya ‘yung “death” palitan muna natin ng lengguwahe ng mga millenial.
“Tapos ka na!” ito ang usung-usong salita ng mga kabataan ngayon, lalo na ng mga mahihilig sa animé at ang mga naglalaro ng mobile legends o video games.
Kaya ‘yung mga patay na pusa na napanaginipan mo, ang ibig sabihin nito ay wish mo ng ma-game-over na ang mga pusa sa buhay mo, pero, sino ba ang mga pusa sa buhay ng tao?
Ang mga pusa sa panaginip ay sinisimbolo ng mga kaibigan na mahaharot, pero malalambing. Ngunit, ang mga ito ay sumpungin kaya kung minsan, mahirap silang maintindihan.
Sa panaginip mo, asar na asar ka na sa mga kaibigang ganu’n ang katangian, kaya kung puwede lang ay mawala muna sila sa buhay mo.
Wish mo lang ‘yun na ayon sa panaginip mo ngayon ay mas gusto mong mag-isa, kumbaga, ayaw mo munang makipagsosyalan, kaya mukhang niyayakap mo ang kalungkutan.
Ito ang katotohanang inilalantad ng iyong panaginip at ito rin ang dahilan kung bakit napanaginipan mo ang iyong asawa na pitong taon ng patay.
Ang mensahe ng asawa mo para sa iyo ay nagsasabing, ayaw niyang nalulungkot ka, kaya hanapin mo ang bagay na magpapasaya sa iyo. Sundin mo ang kagustuhan ng iyong asawa na nasa kabilang buhay. Muli, gusto niya na masaya ka!
‘Ika nga, “kapag masaya ka, masaya na rin ako!”
Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo




Comments