Nag-guest para mag-promote ng show... LEA, 'DI KILALA NG HOST, IBA ANG PANGALAN NANG IPINAKILALA
- BULGAR

- Jul 8, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

NAGKAMALI ang American host na si Stephen Dixon ng Sky News ng pagpapakilala sa international performer na si Lea Salonga.
Ipinakilala kasi nito bilang environmental campaigner na si Anna Hughes ang singer na ikinagulat naman ni Lea.
“Okay, I am not Anna Hughes, I’m sorry I don’t know what is going on. No, I’m not Anna Hughes, sorry about that,” ang mabilis na sagot ni Lea, kung saan pinuri siya ng mga netizens dahil sa maayos niyang pag-handle sa sitwasyon.
Awkward ang eksena na agad namang naisalba ng Sky News host dahil sa pagiging professional niya.
Special guest si Lea sa segment na Sunrise ng Sky News para i-promote ang concert niya sa United Kingdom na nagsimula na kahapon (July 7).





Comments