top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MY JOPAY, HANDA NA SA 3RD LEG TRIPLE CROWN

  • Ding Taboy
  • Jul 8, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

NAKAHANDA nang harapin ng My Jopay ang mga kalahok sa Philippine Racing Commission (Philracom) 3rd Leg Triple Crown Stakes Race na gaganapin sa Hulyo 21, sa Metro Manila Turf Club (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

May kahirapan ang laban subalit, sa aking palagay, may ibubuga ang kabayo kung distansiya ang pag-uusapan.

Sa ipinakitang takbo ng kabayong My Jopay, sa aking palagay ay may itatagal ang kabayo gaya na lang sa huling takbo nito sa Hopeful Stakes Race kung saan, naitawid ng sobra ang panalo sa distansiyang 1,800 meters.

Ngayong huling yugto ng karera, may palagay akong may panalo ang kabayo kung itatakbo lang ng My Jopay ang itinakbo nito sa Hopeful sa muling pagtikada ng kabayo.

Makakalaban ng My Jopay ang Real Gold na 1st Leg Champion at Boss Emong ang kasalukuyang 2nd Leg Triple Crown champion.

May balita na hindi makatatakbo ang Real Gold dahil nakatakdang operahan ang kabayo sa lalamunan.

Usap-usapan ng mga karerista na si Real Gold ay napilitang itakbo sa 2nd Leg kaya ito ang dahilan ng pagkatalo ng kabayo sa karerang nabanggit.

Hindi naman ako naniniwala sa mga bulong-bulungan patungkol kay Real Gold at malalaman natin kung makasasali ito sa 3rd Leg ng Triple Crown Stakes Race sa Hulyo 21.

Kung totoo ang haka-haka ng bayang karerista, malaki ang laban ni My Jopay sa titulo ng Triple Crown. Sa 3rd Leg, may pag-asang makasilat ang Jayz, Toy For The Bigboy at Shanghai Lord.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page