top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mas sosyal pa kay Kris… LEA, 'DI KAPANI-PANIWALANG ENDORSER NG SABONG PANLABA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2019
  • 1 min read

MAY ilang netizens ang nagtatanong kung bakit si Lea Salonga ang ipinalit kay Kris Aquino bilang endorser ng isang brand ng sabong panlaba? Eh, kung tutuusin, sosyal na sosyal na nga ang dating ni Kristeta at hindi kapani-paniwalang naglalaba ng kanilang mga damit. Sikat at kon­trobersiyal lang kasi si Kris kaya nagmamarka kapag siya ang endorser ng produkto.

Pero, bakit ang ipinalit sa kanya sa nasabing powder soap TVC ay mas sosyal pa at hindi masa ang appeal?

Sumikat si Lea dahil sa malaking exposure niya sa Miss Saigon at Les Misérables na Broadway musical plays. Hina­­ngaan siya maging sa ibang bansa. Angat na angat ang level ng kanyang per­sonalidad kaya marami ang nagkainteres na kunin siyang endorser. May beauty products, life insurance, atbp..

Pero, para maging endorser ng sabong panlaba na nararapat lang sa isang celebrity na masang-masa ang appeal, parang hindi kapani-paniwala!

At diyan pumapasok ang sina­sabing “truth in advertising.” Papaano makaka-relate kay Lea ang mga ordinaryong misis na gumagamit ng sabong panlaba, eh, napaka-classy ng kanyang imahe mula pa noong siya ay bata pa?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page