Isang taon, sa loob ng classroom | GRADE 2 ‘SEX SLAVE’ NI SIR


ISANG lalaking guro ang inireklamo ng pangmomolestiya sa Aklan.
Batay sa salaysay ng ina ng biktima, ginawan umano ng kahalayan ng guro ang siyam na taong gulang na babaeng estudyante nang ito ay nasa Grade 2 at pitong taong gulang pa lamang sa loob mismo ng kanilang silid-aralan.
Ipinasok umano ng guro ang kanyang kamay sa palda ng bata at hinawakan ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
Paulit-ulit umano itong ginawa sa bata sa loob ng isang taon at natigil lamang nang malipat sa ibang eskuwelahan ang guro.
Natakot umano ang kanyang anak na magsumbong agad at nagkaroon lamang ng lakas ng loob nang malamang maliban sa kanya ay may iba pang kamag-aral na minolestiya rin ng kanilang guro. (BRT)





Comments