top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Board member niratrat ng nakamotor, utas

Jeff Tumbado
Jul 8, 2019
1 min read

PATAY ang isang board member ng San Jose sa Di­nagat Island matapos itong pagbabarilin ng hindi pa na­kikilalang salarin sa Bgy. Luna, Surigao City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Wenefredo Olefernes. Ayon kay Police Lt. Col. Rhandy Amaro, sakay ng motorsiklo ang biktima at live-in partner nito at pauwi na nang maganap ang pama­maril.

Batay sa salaysay ng live-in partner ni Olefernes, isang motorsiklo ang nag-overtake sa kanila at bigla silang pinagbabaril.

Nagtamo ng sugat sa ka­tawan ang live-in partner nang matumba ang kanilang sinasakyang mo­torsiklo ha­bang dead-on-ar­rival naman sa ospital si Olefernes.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page