BF mo, Maine, pinaaming bakla… "SO WHAT?! ANO'NG PROBLEMA?” — ARJO


TINAWANAN lang ni Arjo Atayde ang tanong sa kanya ng isang netizen kung bakla siya.
First time ng aktor na magpa-Ask Me a Question sa kanyang Instagram Live at sumagot siya ng 20 questions mula sa mga netizens.
Isa sa mga tanong ay, “Totoo bang bakla ka raw? Just asking lang po. Hehehehe.”
Sagot naman ni Arjo, “Hahahahahaha! Hindi ako bakla but if ever I was? SO WHAT?! Ano’ng problema?”
May isa namang nagtanong ng “Are you happy?” at ayon sa aktor ay understatement ang salitang “happy” sa nararamdaman niya ngayon, na marahil, ang ibig niyang sabihin ay he’s happier.
Well, alam naman ng lahat that he’s currently dating Maine Mendoza at noon pa ay very vocal na siya sa pagsasabing masaya talaga siya ngayon.





Comments