top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 gun-for-hire, todas sa engkuwentro

  • Levi Gonzales / Jeff Tumbado
  • Jul 8, 2019
  • 2 min read

“HINDI kami susuko at lalaban kami!!! Allahu Akbar!” ito ang huling ka­tagang sinambit ng isa sa tatlong lalaki bago nakipag­barilan hanggang sa mapa­tay ng mga rumespondeng pulis sa Bgy. San Pablo, Sto. Tomas, Batangas.

Nagsimula ang shootout alas-4:00 ng hapon ng Sa­bado na nagwakas alas-5:00 ng madaling-araw kahapon.

Ani Police Brigadier Ge­neral Edward Carranza, iki­nasa ang operasyon dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek sa lugar at nakitaan pang may sukbit na baril sa kanilang beywang.

Una munang nirespon­dehan ng mga tauhan ng San Pablo Municipal Police Of­fice ang lugar subalit, mabilis na nagtago at binarikadahan ang sarili ng mga suspek sa isang bahay.

Dito napag-alaman na kai­langan ng karagdagang back­up ang unang mga pulis na rumesponde dahil sa banta na ng seguridad at buhay hindi lamang sa kanila kundi sa mga naninirahan doon.

Ilang minutong lumipas at dumating na ang ilan pang karagdagang police units na kinabibilangan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Batangas Provincial Mo­bile Force Company (PM­FC) 1st Company.

Tinangka umano ng pu­lisya na mapayapang pasu­kuin ang mga suspek sa pa­mamagitan ng negosasyon subalit, sumigaw ang isa sa mga ito ng katagang, “Hindi kami susuko at la­laban kami!!! Allahu Ak­bar!” bago na nagpaputok ng baril ang mga ito na dahi­lan para gu­manti ng putok ang pulisya.

Nakilala ang isa sa tatlong napaslang na mga suspek na si Roger Aspera, residente ng Infanta, Quezon.

Samantala, dalawang bata rin ang nailigtas ng mga pulis sa crossfire matapos ma­ipit sa kanilang bahay sa mag­damagang bakbakan.

Dalawa namang miyem­bro ng SWAT ang nakaligtas sa kamatayan nang saluhin ng kanilang suot na armor bulletproof vest ang mga bala mula sa mga suspek.

Narekober ng SOCO team mula sa posesyon ng tatlo ang kanilang mga gamit kabilang ang dalawang po­lice t-shirt at mga baril na gamit ng mga ito.

Hindi pa malaman ng pulisya kung ano ang pakay ng mga suspek sa lugar na hinihinalang mga gun-for-hire ang mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page