Transaksiyon sa parking mall, buking | 2 HULI SA P6.8-M SHABU

NADAKMA ng pinagsanib na puwersa ng PDEA 4A, PDEA SES, PDEA RO-NCR, PDEA RO-IVA, PDEA RO-BARMM at ng Bacoor Police sa pangunguna ni Police Major Ruben Ballera, Jr., ang dalawang bigtime tulak ng Region 4, sa isang mall sa Bgy. Molino 4.
Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt William Segun, ang mga suspek na sina Ato Kasim, 30, ng Taguig City at Jubaire Kitab Mohammad, 21, ng Las Piñas City. Alas-6:15 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation laban sa mga suspek.
Nang masiguro ang gagawing operasyon, ikinasa ito sa 2nd floor ng parking lot ng isang mall. Nagpositibo ito kung saan nakuhanan ang mga suspek ng humigit- kumulang sa 1 kilo ng shabu na aabot sa halagang P6.8 milyon. Nakuha rin sa mga ito ang bundles ng boodle money, drug money, 2 cellphones at 2 sasakyan na Mitsubishi Lancer at Ford Everest.





Comments