Sa tindi ng itinurok sa aktres… LIZA, 'DI NA MAKILALA SI ENRIQUE AFTER MAOPERAHAN
- BULGAR

- Jul 7, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

SUMAILALIM na sa ika-apat na operasyon sa USA ang aktres na si Liza Soberano dahil sa kanyang injury sa daliri. Umaasa rin ang aktres na ito na ang huling operasyon na kanyang pagdaraanan.
Ngunit ayon kay Liza, hindi na magpa-function katulad ng dati ang kanyang index finger.
Sa Instagram account, ibinahagi ni Liza ang ilang larawan sa pinagdaanang operasyon, kung saan makikitang binuksan ang kanyang daliri at nilagyan ng bakal sa loob.
Sabi niya sa caption: “Caution graphic content.
“Finally done with my last procedure in hopes of fixing my finger.
“Unfortunately, it will never function the same way again but at least it’s there!
“Sorry for sharing such gruesome photos.”
Matapos ang 4th surgery ng aktres, hindi na niya halos makilala ang BF niya dahil sa anesthesia na tinurok sa kanya na in-upload ng kasama nila sa America na si Jonilyn Castillo-Pillarna.
“Who are you?” tanong ni Liza kay Enrique na sumagot naman ng, “It’s me, Quen.”
Nakuha ni Liza ang fracture sa kanyang index finger sa kalagitnaan ng shooting niya ng Bagani kasama ang kanyang onscreen and off screen partner na si Enrique Gil. Ito rin ang dahilan kung bakit umatras ang aktres sa pelikulang Darna.





Comments