Pakyawan! Bida na, writer, direktor at producer pa MICHAEL V., NA-HIGH BLOOD AFTER GAWIN ANG MOVIE
- BULGAR

- Jul 7, 2019
- 1 min read

AYON na rin sa butihing misis ni Michael V. na si Carol Bunagan (na siyang namamahala sa MicTest Entertainment at co-producer ng GMA Pictures sa pelikulang Family History), likas na homebody at hindi mabarkadang tao ang mister niyang comedian. Wala itong night life at mas gustong nasa bahay lang at nagkukutingting ng kung anu-ano.
Napakaraming hobbies ni Michael V. at hindi nasasayang ang oras sa kanya. Lagi siyang busy sa maraming bagay na may kinalaman sa kanyang trabaho bilang artista.
Sobrang workaholic si Bitoy, lalung-lalo na noong nagsimula na ang shooting ng kanyang first directorial job sa Family History. Si Bitoy ang halos umaasikaso ng maraming bagay kahit na nagteteyping pa siya ng Bubble Gang at Pepito Manaloto.
Sobrang tutok at napaka-OC daw ni Bitoy na bawat detalye ng Family History ay inaasikaso. Kaya naman nang natapos na ang pelikula, literal na na-high blood si Bitoy at tumaas ang BP.
Ang laki rin ng ipinayat ni Michael V. dahil sineryoso niya nang husto ang pagiging aktor-direktor at producer ng Family History.





Comments