Pagsosori, 'di tinanggap… LIZA, IDEDEMANDA ANG DJ NA NAGKALAT NA 2 BESES SIYANG NABUNTIS AT NAKU
- BULGAR

- Jul 7, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / BIDA

PAANO ‘yan, hindi tinanggap ng dad ni Liza Soberano at ng manager ng aktres na si Ogie Diaz ang apology ni DJ Kapitana Sisa at pati na rin siguro ang ini-issue na Official Statement ng Energy FM kung saan lumabas ang mali at malicious report na diumano’y dalawang beses nabuntis at nakunan ang aktres.
Post ni Ogie sa Facebook: “We cannot accept your generic public apology, Kapitana SISA. We’ll just see you in court.”
Sabi naman ng dad ni Liza: “I personally do not accept his apology... The hell with him. F**** with the wrong people.”
Nag-ugat ang isyu sa YouTube video ni Kapitana Sisa na blind item na twice raw nabuntis ang aktres at nawala ang baby. Kaso, binanggit si Ogie, kaya nalaman kung sino ang tinukoy niyang aktres.
Eh, nagpaopera ng kanyang daliri si Liza kaya nagtagal sa Los Angeles at hindi napapanood at nakikita ng mga fans niya.
Bagong opera na naman siya at sabi sa report, sa hip pa niya kumuha ng buto para ilagay sa daliri, tapos ay gagawan ng isyu.
Ang latest update nga, successful ang operation ni Liza at kailangan ng two weeks bago siya gumaling.
Ayon sa report ni MJ Felipe, “fusion operation” ang ginawa kay Liza and hopefully, gumaling na talaga siya.
Nag-sorry si Kapitana Sisa via video na inilabas sa YouTube sa kanyang mga nasaktan at nadamay. Alam daw niyang mali siya at hindi niya sinasadyang manakit ng tao.
Wala raw kinalaman ang Energy FM sa ginawa niya. Nilinaw din sa official statement na ang FB Page at YT account ng Energy FM na “Energy FM 106.7” ay iba at walang kinalaman kay Kapitana Sisa dahil responsibility daw ng holder ang content ng social media accounts ng DJs nila.





Comments