top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

LEONARD, NASA CLIPPERS NA, SORRY KAY LEBRON JAMES

MC / Alvin Olivar
Jul 7, 2019
1 min read

SA sobrang tahimik ng kampo ni Kawhi Leonard kagabi, umugong bigla ang balitang lumipat na sa Los Angeles Clippers ang 2018 NBA Finals MVP na si Leonard maging si Paul George, ibig sabihin silang dalawa ay magiging susunod na top contender ng NBA sa susunod na taon.

Habang tutulug-tulog ang ibang team at abala sa ibang gawain sa halip na makibalita sa NBA, may bagong rivalry sa pagitan ng Los Angeles Lakers at ng bagong bihis na Clippers.

Sisingaw na ngayon kung ano ang nagpuwersa kay George kung bakit niya nilayasan ang Oklahoma City Thunder.

Big night na maituturing sa Clippers ang pagkakalipat ng dalawang NBA star players na pawang mga napuyat ang ilang NBA players sa pagkomento sa kani-kanilang Twitter account dahil magiging teammate na nila sina Leonard at George.

Nauna nang naghihintay ang NBA community para sa pinal na desisyon ni Kawhi bilang free agency at ngayon ay palalagdain na siya ng Clippers sa $142 million sa loob ng apat na taon, habang ang 29-anyos na si George ay kokontratahin ng $105 million para sa next three season.

Ang tanging tahimik na dumidiga kay Leonard ay ang Clippers at Lakers at kampante ang Raptors na ngayon ay posibleng naghahanap na ng kapalit ni Leonard.

Gigil pa naman ang Lakers na makuha ang serbisyo ni Leonard kaya sorry na lang kay LeBron James dahil nalantad na nang tahimik nitong Hulyo 4, Independence Day ang bagong balita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page