Isda ng ‘Pinas, ubos sa mga Chinese, tsk-tsk-tsk!
- BULGAR

- Jul 7, 2019
- 1 min read
KONSTITUSYON NG PILIPINAS, PANGKUBETA LANG? — Rumesbak si P-Duterte sa mga nagsasabing labag sa Konstitusyon ang pagpapahintulot niyang mangisda ang mga Chinese sa West Philippine Sea.
Ayon sa pangulo, “ganu’n ‘yan, eh, magpunta ako roon (China), sabihin ko, get out (WPS) because this is the Constitution. Sabihin sa’yo (Chinese Pres. Xi Jinping),‘naubusan ka na ng toilet paper? Gamitin mo ‘yan.”
Hay naku, ang paniniwala pala ni P-Duterte sa Konstitusyon ng Pilipinas ay pangkubeta lang, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
ISDA SA PILIPINAS, UUBUSIN NA NG MGA DAYUHAN — Ayon sa data ng Philippines Visible Infrared Imaging Radiometer Suite (VIIRS) at Karagatang Patrol Monitoring Group, sangkaterbang foreign fishing vessels na raw ang nangingisda sa West Philippine Sea (WPS).
Payagan ba naman ni P-Duterte na mangisda sa WPS ang mga Chinese, natural, darayo ang mga ‘yan (Chinese) para ubusin ang isda sa dagat ng Pilipinas, hu-hu-hu!
◘◘◘
BUMABA RAW ANG INFLATION RATE, PERO HINDI NAMAN BUMABA ANG PRESYO NG MGA BILIHIN — Tila panlilinlang sa publiko ang sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba raw ng P2.7% ang inflation rate ng bansa.
Nasabi nating panlilinlang kasi kung totoong bumaba ang inflation rate, dapat bumaba rin ang presyo ng mga bilihin sa bansa, pero hindi, dahil hanggang ngayon, ang taas pa rin ng presyo ng mga bilihin sa merkado, buwisit!
◘◘◘
MAYOR CHIPECO, “NGANGA” SA MGA MANRARAKET SA CALAMBA CITY — Patuloy daw na namamayagpag ang raket na video karera nina “Rico” at “Tita” sa Calamba City, Laguna.
Ang tagal na ng ginagawang panraraket ng dalawang iligalistang ito sa mga taga-Calamba City, pero hanggang ngayon, “nganga” lang si Mayor Timmy Chipeco, pwe!





Comments