Social media awareness, dapat din ituro sa iskul


Patuloy na dumarami ang mga gumagamit ng social media, mapabata man o matanda.
Mayroong gumagamit ng mga ito para manatiling konektado sa mga malayong kamag-anak o kaibigan at mayroon namang para sumabay sa mga nauuso o trending.
Kaugnay nito, isinusulong ngayon ang pag-aaral sa elementarya at high school ang social media subject para talakayin ang social media awareness.
Layon nitong maging responsable, produktibo at mapanuri ang kabataan sa paggamit ng social media.
Bagama’t, malaki ang naitutulong ng social media sites sa iba’t ibang bagay, may mga taong gumagamit nito sa masamang paraan kung saan ang karaniwang biktima ay kabataan.
Dagdag pa rito, kung magkakaroon ng sapat na kaalaman ang kabataan sa tamang paggamit ng socmed, maiiwasan ang pagpo-post ng fake news o maling impormasyon sa kanilang mga social media account.
Batay sa impormasyon, mahigit 10 oras ang itinatagal sa internet ng 79 milyong Pinoy na may edad 13 pataas.
Kung matututunan ng kabataan ang tamang paggamit ng social media, siguradong mababawasan ang bilang ng mga nabibiktima ng anumang panloloko online.
Paalala sa publiko, bagama’t, napakadaling mag-share, mag-post at makiuso sa social media, dapat tayong maging maingat at matalino sa paggamit nito dahil ‘ika nga nila, think before you click.





Comments