top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Philippine Olympic Committee, linisin mula sa korupsiyon!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2019
  • 2 min read

DAPAT linisin sa korupsiyon ang Philippine Olympic Committee (POC).

Matagal nang ninanakaw ang sports fund!

◘◘◘

NAPAKAGULO ngayon sa POC.

Kailangang balasahin ang Olympic body!

◘◘◘

APAT na buwan na lamang, magiging host na ang Pilipinas sa Southeast Asian Games.

Pero, nag-aaway-away ang sports leaders ng bansa!

◘◘◘

NAGPATAWAG ng special elections ang POC chairman para sa ‘president position’ ng organisasyon matapos magbitiw sa tungkulin si Ricky Vargas.

Nakasaad sa POC Bylaws ang pagpapatawag ng special elections ng chairman!

◘◘◘

Pero, ayaw sumunod sa patakaran ang kampo ni Peping Cojuangco, na kapit-tuko sa POC.

Pinipilit nilang si 1st Vice-President Joey Romasanta ang mailagay kapalit ni Vargas.

Ang problema, hindi siya kuwalipikado!

◘◘◘

PINILIT ni Romasanta na iproklama ang sarili bilang presidente ng POC.

Nag-isyu siya ng press statements, nagpa-interview sa media at nagpakilalang “presidente” ng POC.

Siga talaga!

◘◘◘

NOONG June 20, nagpalabas ng abiso ang POC Board na magkakaroon ng general assembly ang POC noong June 25.

Pero, pagdating ng naturang petsa, may tumayo para kuwestiyunin ito dahil labag daw ito sa POC Bylaws kung saan nakasaad na dapat 10 araw ang abiso para sa mga “extraordinary meeting” ng POC!

◘◘◘

SUMANG-AYON si POC Chairman Tolentino kaya dineklara niyang invalid ang meeting, pero sinabi niyang puwede itong ituloy bilang ‘informal meeting’.

Ang kaso, isa-isang umatras ang mga nagsabing magre-resign daw sila. Sina Tolentino, Aranas at Carrion lang ang tumupad sa usapan!

◘◘◘

ANG mga nag-backout ay walang isang salita at hindi mapagkakatiwalaan.

Walang kuwenta ang kanilang mga pangako.

Binalewala nila ang pagkilala sa Olympic spirit na dapat sila ang nangunguna sa pagtupad!

◘◘◘

HABANG nangyayari ito, si Romasanta ay kumikilos para ayusin sa baluktot na paraan para maging kuwalipikado bilang POC president.

Bigla siyang naging presidente raw ng NSA volleyball at NSA karate kahit walang anunsiyo o nagpapatunay na totoo ang mga ito!

◘◘◘

Pinipilit niyang kuwalipikado siya, pero hindi niya maipaliwanag kung paano.

May isa siyang kakampi na amuyong ni Cojuangco na puwede raw pagsamahin ang termino ni Romasanta bilang presidente ng volleyball at karate para maging apat na taon at pasok sa requirements ng POC Bylaws.

Isang malaking kahangalan!

◘◘◘

DAPAT ituloy na ang special elections sa POC.

Nakakahiya sa International Olympic Committee at Olympic Council of Asia na parehong nakapansin sa kaguluhan sa POC!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page