Pahiwatig na palayain ang sarili sa makalumang nakaugalian

Salaminin natin ang panaginip ni Sei ng Sei_ Schweigen@facebook.com
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng malaking alimango?
Hihintayin ko ang inyong sagot.
Maraming salamat!
Naghihintay,
Sei
Sa iyo Sei,
Ganito ang paliwanag ng panaginip mo na alimango, kung ikaw ay dalaga, ang alimango ay tumutukoy sa matagal na pagtatago mo sa iyong kagandahan na makikita sa pagsunod sa mga makalumang panuntunan.
Sa tao, babae man o lalaki, hindi maganda na may itinatagong mga katangian dahil maaari itong maging sanhi kung bakit hindi ka makapag-aasawa sa tamang edad.
Kung ngayon ay lagpas ka na sa panahon ng kadalagahan, ang alimango ay nagbabalita sa pagkakaroon ng sakit na dala ng edad.
Sa malalimang pagsusuri, sa iyong panaginip, ikaw ay makikitang sexy kaya ang appeal mo sa kalalakihan ay sobra-sobra dahil katumbas din ito nang malakas na gayuma.
Maaaring hindi mo paniwalaan ang nakabibiglang katotohanan, pero kung susundin mo ang payo na palayain mo ang iyong sarili sa mga makalumang nakaugalian, masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang tunay, wagas at dalisay na kaligayahan.
Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo





Comments