Nanay at utol ginulpi | TATAY PINAGTATAGA NG ANAK, TODAS

Jul 6, 2019
1 min read

PATAY ang ama makaraang pagtatagain ng kanyang anak sa Misamis Oriental.
Kinilala ang nasawi na si Meliton Aquiman, 63-anyos. Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa loob mismo ng kanilang bahay.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinasaktan ng lasing na si Meliton ang kanyang asawa at anak na babae.
Rito na umano nagdilim ang paningin ng anak na lalaki na si Maski at pinagtataga ang ama.
Ayon sa suspek, dati na silang sinasaktan ng kanilang tatay. (BRT)





Comments