Nag-cutting classes kasama ang tropa | GRADE 9 AT 10 GUMAWA NG SEX VIDEO, IKINALAT

INAALAM na ngayon ng pulisya ang nasa likod ng pagpapakalat ng video ng iskandalo ng mga estudyante sa Grade 9 at Grade 10 ng Sarrat National High School sa bayan ng Sarrat, Ilocos Norte.
Sa video na naging viral na online, makikita ang pagtatalik ng dalawang mag-aaral sa isang kubo na nasa likuran ng isa pang eskuwelahan sa Lungsod ng Laoag.
Sinasabing nag-cutting classes ang mga estudyante kasama ang iba pa nilang barkada at nagtungo sa naturang lugar upang isagawa ang pagkuha ng video. Habang nagtatalik ay pinanunuod umano ng kanilang barkada ang Grade 9 at Grade 10 students.
Pinayuhan naman ng Department of Education (DepEd) sa Ilocos Norte ang mga magulang ng mga bata na gabayan ang kanilang mga anak lalo na at posibleng magkaroon ng epekto ang iskandalong inabot ng mga ito nang kumalat ang kanilang sex video.
Inihahanda naman ng eskuwelahan ang kaukulangn aksiyon patungkol sa isyu.





Comments