top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malinaw ayon sa palad... BADING NA NAKATAKDANG MAKAPAG-ASAWA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 6, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Itatanong ko kung may kapalaran ba akong makapag-asawa ng lalaki kahit na ako ay bading? Oo, bakla ako at ngayon ay may boyfriend ako at magtu-two years na kami. Siya na ba ang lalaking nakaguhit sa aking mga palad o may darating pang iba?

  2. May pag-asa ba akong magkaroon ng sa­riling pamilya, balak kasi naming mag-ampon ng baby, para may makasama kami sa aming pagtanda?

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing nag­tataglay ka ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, da­lawang beses kang ma­kara­ranas ng pangmatagalan at mahabang relasyon, ngunit, mahihiwalay ka rin sa una upang ang ikalawa ang panghabambuhay mo ng makakasama.

  2. Nangyaring ga­nu’n ang kinalabasan ng pag-aanalisa dahil higit na mas mahaba at makapal ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung iku­kumpara sa unang Marriage Line (1-M arrow a.). Ibig sabihin, dalawang beses kang magkakaroon ng kinakasama o parang asawa na ring matatawag at ang ikalawang lalaking makau­ulayaw mo ang siya na ngang pangmatagalan at maaaring makasama mo sa pagbuo ng masaya, pero hin­di ka­tang­gap-tanggap sa lipunan, su­balit, anuman ang sabihin nila, panghabam­bu­hay na ang nasabing relas­yon na ha­hantong sa mali­gayang pag­papamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Vhi, magkakahiwalay din kayo ng lalaking kina­ka­sama mo ngayon dahil mas maikli ang naunang Mar­riage Line (arrow a.) kung ikukum­para sa mas mahaba at ma­kapal na ika­lawang Marriage Line (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong pa­lad.

  2. Gayunman, dahil hin­di nabiyak o pumangit ang unang Marriage Line (arrow a.), ibig sabihin nito, sa ma­buting usapan at maayos na paraan pa rin kayo magka­ka­hiwalay ng unang kina­kasama mo ngayon upang pagkatapos tulad ng nasabi na, sa ikalawang pakikisama sa lalaking isinilang sa bu­wan ng Disyembre, tiyak ang ma­gaganap, siya na ang maka­kasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabam­buhay na relasyon na naka­takdang maganap sa susu­nod na taong 2020, sa edad mong 31 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page