Kaso ng HIV, lumala

UMAKYAT na sa 840 ang bilang ng mga naitalang bagong kaso ng HIV nitong Abril lamang ngayong taong ito.
Sa datos ng HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines, umabot na sa 4,274 ang bilang ng bagong kaso ng HIV mula Enero hanggang Abril.
Sa nasabing bilang, 94% o 789 ay lalaki, na ang edad ay mula 2 hanggang 73. Pinakamalaking porsiyento ng HIV cases ay mula sa National Capital Region na may 32%, Region 4A na may 16%, Region 3 ay 11%, Region 7 ay 8% at 7% naman sa Region 6.
Ang pakikipagtalik pa rin sa kapwa lalaki ang pinakamaraming nabiktima.
Sa apat na bagong na-diagnose, apat ay buntis kung saan ang dalawa ay mula sa Region 4A habang tig-isa naman sa Regions 1 at 10.





Comments