top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 06, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 6, 2019 (Sabado): Hindi ka magtatagal sa pamama­sukan dahil ang utos ng iyong kapalaran ay mag­negosyo ka. Ito ang mag­papayaman sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang mga kilos mo na parang hin­di ka nag-iisip, pero ang totoo, kasabay nang mabibilis mong kilos ay ang mabilis ding paggana ng iyong isip. Ito ang men­sahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-12-21-23-32-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Puhu­nan ba ang kaila­ngan mo? Bi­bigyan ka ngayon ng iyong kapalaran. Paka­inga­tan mo itong maga­mit sa mga personal na bagay dahil ang iyong ka­ilangan ay ang magkaroon ng puhu­nan. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-25-39-41-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Hawak mo nga­yon ang iyong kapala­ran. Mu­ling ipinagkaloob sa iyo ang espesyal na prebile­hiyong ito. Mas magan­dang gamitin mo ito sa tama para bumilis ang iyong pag-asenso. Masu­wer­teng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-15-23-39-44.

CANCER (June 21- July 22) - Pag-isi­pan mo munang mabuti ang gagawin mo. Hindi ka pu­wedeng matangay ng iyong damdamin dahil ang mga kabiguan ay nang­yari da­hil hindi mo pinagana ang isip mo. Masuwer­teng ku­lay-purple. Tips sa lotto-7-10-16-21-23-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong la­banan ang agos ng iyong kapa­laran. Magtiwala ka na dadalhin ka nito kung saan makahaharap mo nang personal ang mga suwerte mo sa buhay. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-19-24-38-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang naunang gus­to mo, huwag na huwag mo itong babagu­hin. Kung babalikan mo ang nakaraan, ang kada­lasang pagkakamali mo ay ang pabagu-bago ng iyong mga desisyon. Ma­su­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-26-34-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit papan­sinin mo ang mga kontra­bida sa buhay mo? Ituring mo ang mga sinasabi nila na ingay lang ng mga da­hon sa sanga. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-16-21-24-29-30-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumara­ting na ang mga pagbabago sa buhay mo. Ang kaginha­wahan at masaganang buhay ay mapasasaiyo. Sa­lubungin mo ito nang may saya sa puso. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-8-11-18-29-30-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng bas­ta-basta na lang maniniwala sa mga ma­­ririnig mo. Mas ma­gan­da na maghanap ka muna ng patunay nang sa gayun ay hindi ka magka­mali sa iyong papanigan. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-4-16-17-20-25-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatu­tu­wa ang si­nasabi ng iyong kapalaran. Mula ngayon, mailalantad ang iyong mga ikinukubling magagan­dang katangian at sobrang dami ang ha­hanga sa iyo. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-1-5-20-25-33-35.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malaki ang maitutu­long sa iyo nga­yon ng lihim mong kinaiinisan. Sa bawat ki­los niya, ikaw ang makiki­nabang. Mas magandang lihim ka rin sa kanyang magpasalamat. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-9-13-14-21-26-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Biglaang da­rapo sa iyo ang mga su­werte. Sa pagkabigla, iwa­san mong matulad sa mga taong sob­­rang nagsa­saya dahil sa na­tanggap nilang magan­dang kapa­laran. Masuwer­teng ku­lay-brown. Tips sa lotto-11-18-20-24-30-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page