Duterte Coalition, binuo sa kamara

SA gitna ng labu-labong diskarte ng mga kongresista, pumasok na sa eksena ang tinaguriang Duterte Coalition.
Binubuo ito nina Presidential Son at Davao City Rep. Paolo Duterte, Davao City Rep. Isidro Ungab, Rep. Vincent Garcia, Rep. Corazon Malanyaon, Rep. Manuel Zamora, Rep. Lorna Bautista, Rep. Claudine Bautista, Rep. Sandro Gonzales at Rep. Anton Lopez.
Sila ay mga kasapi ng Hugpong ng Pagbabago at Hugpong sa Tawong Lungsod.
Ang nasabing hakbang ay sa gitna na rin ng umano’y panghihimasok ng ilang miyembro ng gabinete at nakikisawsaw sa labanan sa pagka-House Speaker.
Naninindigan ang koalisyon sa kalayaan mula sa pakikialam ng Ehekutibo sa sangay ng Lehislatura.
Hinimok din ng grupo ang iba pang mga kandidato sa pagka-House Speaker kabilang sina Leyte Rep. Martin Romualdez, Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na umanib sa koalisyon.
Samantala, nakikiisa naman si Romualdez sa hangarin ng Duterte Coalition na magkaroon ng pagkakaisa sa Kamara para maitulak ang mga prayoridad na agenda ng kasalukuyang administrasyon.
Naniniwala rin ang kongresista sa posisyon ng koalisyon na dapat ay malayang makapili ng sariling lider ang Kamara, alinsunod sa konsensiya ng bawat mga mambabatas.





Comments