top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 ENTRY, HATI SA WSC 2 CROWN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 6, 2019
1 min read

NASUNGKIT ng Thunderbird 1 entry ni Nene Araneta at partner Frank Berin ang grand finals title sa katatapos na World Slasher Cup II, kung saan kasalo nila sa kampeonato ang entry RC Warriors J na pag-aari ni Rey Cañedo at Jun Durano.Ang dalawang entries ay nagtapos sa iskor na tig-8 points dahilan para paghatian ang ngayong taong titulo.

Binigyan ang mga may-ari ng isang special awarding ceremony sa Novotel Manila Araneta Center at simboliko nilang tinanggap ang silver-plated cup na nagmula pa sa HongKong bilang patunay ng kanilang kampeonato sa pinakaprestihiyosong cockfighting derby na kilala bilang “Olympics of Sabong.” Ayon kay Berin, isang Thunderbird endorser na nagtitiwala sa produkto para ikondisyon ang kanilang panabong.

Humirit si Cañedo at sinabing, “Sa World Slasher Cup, it’s not easy to win – the competition is very tough. We hoped we would win, pero hindi namin masigurado. Hindi basta-basta ang labanan sa WSC. ‘Pag nanalo ka rito, parang kalaban mo na ang lahat ng breeders sa buong mundo.”

Nagdagdag ng ningning sa awarding ceremony ng event ang presensiya ng mga naggagandahang 2019 Binibining Pilipinas Queens na sina Miss Universe Philippines Gazini Ganados, Binibining Pilipinas Grand International Samantha Lo, Binibining Pilipinas Intercontinental Emma Tiglao at Binibining Pilipinas Globe Leren Bautista. Ang mga opisyal ng WSC Derby Office ay dumating din upang batiin ang mga kampeon. Magbabalik ang World Slasher Cup sa Enero 2020 para sa mas malaki at mas malupit na event sa historic Smart Araneta Coliseum. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page