top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tag-ulan na, galaw-galaw kontra dengue

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 5, 2019
  • 1 min read

Tuwing tag-ulan, karaniwang dumarami ang kaso ng dengue.

Pagtapos ng clean-up drive kontra baha, clean-up drive kontra dengue naman ang ikinasa sa isang lungsod.

Bitbit ang mga walis, kalaykay at sako, nagsagawa ng clean-up drive ang mga street sweeper at mga residente kung saan sinuyod ng mga ito ang bawat sulok ng mga kalye hanggang sa kailaliman ng mga estero.

Ito ay dahil sa pangamba na tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa lugar.

Sa huling tala, mula Enero hanggang Hunyo, halos dumoble na ang naitalang kaso kumpara noong nakaraang taon kung saan halos 400 dito ang nasawi na karaniwan ay mga bata.

Paliwanag ng mga lokal na pamahalaan, prevention o pag-iwas ang isa sa mga epektibong solusyon kontra dengue dahil malaki ang naitutulong ng malinis na kapaligiran dahil ang mga nakatambak na basura at naipong tubig ang pinamumugaran ng mga lamok.

Payo ng Department of Health (DOH) sa publiko, sakaling makaranas ng pananakit ng ulo, rashes at lagnat, agad magpatingin sa doktor.

Malaking tulong sa bawat isa ang inisyatibo ng lokal na pamahalaan pero, hindi dapat iasa lamang sa kanila ang ating kaligtasan.

Anumang uri ng panahon, para mapanatiling malinis ang paligid upang makaiwas sa sakit, pagkukusa ng bawat isa ang kailangan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page