top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pramis ni P-Duterte na magbibitiw kapag tumakbo si "Pulong" sa pagka-Speaker, abangan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
2 min read

SUMANG-AYON si House Majority Leader Fredenil Castro na kailangang tuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pangako na kapag tumakbong Speaker of the House ang kanyang anak na si Paolo “Pulong” Duterte ay magbibitiw siya sa tungkulin dahil masyado na raw maraming “Duterte” sa serbisyo. Para maipagpatuloy ang paniniwala at respeto ng taumbayan sa pangulo, dapat tuparin nito ang kanyang ipinahayag.

Pero, sinabi rin ni Castro na kung tatakbo si “Pulong”, walang kongresista ang hindi susuporta sa kanya kaya baka matapos na ang usapan. Maaaring mapag-isa ni “Pulong” ang Mababang Kapulungan na sa ngayon ay may kani-kanyang kampo na iniendorso ang iba’t ibang kongresista.

Gayundin, nagpahayag agad si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na maaaring magbago ang isip ng pangulo, depende sa sitwasyon. Naku, alam na natin ‘yan, malamang, nakahanda na ang dahilan kung sakaling tumakbo at maging Speaker ang batang Duterte at hindi naman magbitiw sa puwesto ang pangulo.

◘◘◘

“Sh*t happens”, ito ang pahayag ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald dela Rosa sa batang namatay sa isang operasyon kontra iligal na droga. Namatay ang edad tatlo na batang babae, nang malagay sa gitna ng barilan sa pagitan ng kapulisan at kanyang ama.

Nauna raw bumaril ang ama ng bata kaya napilitan ang kapulisan na ipagtanggol ang kanilang sarili. Suportado ni Sen. Dela Rosa ang aksiyon ng mga pulis, ano pa nga ba?

May mas mabuting paraan para magpahayag ng opinyon sa hindi inaasahang nangyari sa kaawa-awang bata. Hindi “sh*t happens”, hindi man lang sila nakiramay sa pamilya, malamang, sa tingin nila gagawa lang ng ibang salaysay ang pamilya ng mga sangkot sa iliga na droga.

Hindi tayo sigurado kung mahuhubad ni Sen. Dela Rosa ang kanyang “pagiging pulis” ngayong mambabatas na siya. Malinaw kung saan ang kanyang katapatan, hindi sa taumbayan. Siguro, “sh*t happens” talaga ang nagaganap sa lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page