top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pasyente tumalon mula 7th flr. ng PGH, dedo

Mylene Alfonso
Jul 5, 2019
1 min read

TODAS ang 30-anyos na massage therapist na umano’y dumaranas ng de­presyon matapos tumalon mula sa ikapitong palapag ng Philippine General Hos­pital (PGH), kamakalawa ng gabi sa Taft Avenue, Ermita, Manila.

Kinilala ang biktimang si ‘Ric’, ng Bgy. Palanan, Ma­kati City.

Batay sa ulat ni PSSg. John Teody Siguen, alas-9:54 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Ayon sa kapatid ng bik­tima, dumaranas umano ng lagnat ang biktima at dinala nila ito sa Bgy. Palanan Health Clinic at binigyan na­man ng reseta pero, nag-overdose ito at nahirapang huminga.

Inilipat nila ang biktima sa St. Claire Hospital kung saan pinayuhan sila na i-confine ito para ma-monitor pero, tumanggi ang biktima kaya dinala na lamang ito sa bahay ng kanyang kapatid sa Imus, Cavite.

Gayunman, lumala ang kondisyon ng biktima kaya dinala ito sa Our Lady of Pilar Medical Center pero, dahil hindi kaya ang gastos ay ini-refer sila sa PGH.

Ini-admit ang biktima kung saan sinabi ni Dra. Vanessa Angelie de La Paz na dumaranas ito ng de­presyon.

Bandang alas-8:30 ng gabi matapos ma-interview ang biktima ni De La Paz at papaalis na ang doktor nang makita nila na pumasok ng comfort room ang biktima at ini-lock ang pinto.

Kinutuban ang kanyang bayaw kaya sinundan niya ito at nang buksan ang pinto, rito niya nakita ang biktima na tatalon na sa bintana at tinangka niyang hawakan sa kamay pero, nakatalon na ito at bumagsak sa roof­top ng ikaapat na palapag na annex building na na­ging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page