top of page
Pokwang.jpg

Palaban, wala talagang inuurungan… KRIS, TINANONG KUNG SINO ANG MAS DAKS KINA IPE AT JAMES, SUMAGOT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
1 min read

‘KAALIW si Kris Aquino na sina­got ang malisyosong ta­nong ng isang netizen sa kan­yang Instagram account. Nag-post si Krissy ng short video ng anak na si Bimby habang nagpapalit ng ilaw sa kisame at sa caption, pinuri niya ang pagi­ging matangkad ng dalawa niyang anak dahil may pinagmanahan ang mga ito.

Ani Kris, ang panganay niyang si Joshua ay 6’2" na nagmana sa amang si Phillip Salvador. Same with Bimby na nakuha rin ang 5’10" na taas sa basket­bolistang ama na si James Yap.

“Yes genetics matter... but sleeping early and drinking milk are also vital to help achieve maximum growth. Sa mababang mattress lang tumuntong si Bimb to change our ceiling light. No offense meant, isa sa staff namin (male) nag-step ladder to change the other light bulbs. Unahan ko na, Kuya Josh is 6’2" (his dad is 5’11” to the best of my memory), Bimb is now 5’10”, 12 years and 75 days old (his dad I believe is about 6’3"?). Ano sa tingin n’yo, how tall aabot si Bimb?” ang caption ni Kris sa kanyang video.

Sa comments section ay may isang netizen na nagtanong ng, “Sino po’ng malaking bird sa kanilang dalawa, kay Phillip o kay James?”

Buong-ningning namang sinagot ito ni Kris.

“Since wala na ‘kong balak na masi­layan pa hanggang kamatayan-care bears na, ‘di ba??? ‘Kala mo uuru­ngan ko ‘yung tanong ‘noh?” sagot ni Kris.

Ang daming natawa sa sagot ni Kris at pinuri ang kanyang pagka-smart. Hina­ngaan din siya na hindi siya umuurong sa lahat ng klase ng tanong.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page