Pagpapahalaga sa mga guro, iparamdam sa pamamagitan ng dagdag-suweldo!

MATAGAL nang hinihiling ng mga guro ang dagdag-sahod kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napagbibigyan ng pamahalaan.
Gayunman, dahil sa lumabas na mga balita na mayroong panukalang-batas sa Senado na may kaugnayan sa hiling ng mga guro na dagdag-sahod, tumaas umano ang moral nila, gayundin, ito ay kanilang ikinatuwa.
Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, natuwa umano sila dahil sa nasabing balita ngunit, mas matutuwa pa umano sila, gayundin, ang mga guro kung ngayon pa lamang ay tapos na ang draft ng nasabing panukala.
Samantala, kung kukulayan at maaaprubahan ito sa lalong madaling panahon, mas maipararamdam sa mga guro na sila ay pinahahalagahan ng gobyerno, ito ay dahil tinutulungan at inaalala ang kanilang mga pangangailangan ngayong tumaas na naman ang presyo ng iba’t ibang produkto sa bansa.
Dagdag pa rito, bagama’t, marami pang ibang problema ang dapat unahin, siguro naman karapat-dapat ding mapagbigyan ang kanilang hiling.
Kaya, sana, huwag natin silang gipitin at paasahin, ang hirap kayang umasa, hugot! Ha-ha-ha!
Hangga’t maaga pa, hirit nila, pagbigyan na!
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments