top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Magsasaka tinodas ng kaalitan

  • Pabs Hernandez III
  • Jul 5, 2019
  • 1 min read

ISABELA—Isang magsasaka ang namatay nang tagain ng kanyang kaalitan, kamakalawa sa Bgy. Sinipit, Benito Soliven sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Primo Acob, samantalang, ang suspek ay si Orlando de Asis, kapwa residente sa nasabing barangay.

Nabatid na habang nasa bukid si Acob ay nilapitan ito ni De Asis at pinagtataga hanggang sa mapatay.

Nang matiyak na patay na si Acob ay agad sumuko sa mga awtoridad ang suspek at inamin ang isinagawang pagpatay sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page