HOROSCOPE | Hulyo 05, 2019 (Biyernes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 5, 2019 (Biyernes): Pinatitibay ka ng iyong kapalaran dahil inihahanda ka niya sa malalaking suwerte na tanging para sa iyo lamang. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit malaki ang pag-aalinlangan mo, ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin. Ito ay dahil nasa isip lang ang mga negatibong pananaw kaya muli, ituloy mo pa rin ang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit tinatakot mo ang iyong sarili? Para malabanan mo ang takot, kumilos ka nang kumilos dahil ang kawalang pagkilos ay nagbubunga ng kawalang tiwala sa sariling kakayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-21-25-34-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Maaantala ang pagdating ng mga suwerte mo kapag binago mo ang iyong mga prayoridad. Piliin mo ang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-24-39-40-45.
CANCER (June 21- July 22) - Bumabagal ang pag-unlad mo dahil naaapektuhan ka ng awa. Maawa ka, pero kailangang ituloy mo ang iyong sigla at sigasig sa pagpapayaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-24-25-34-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaiba at nakapagtataka kung paano ka bubuwenasin. Aayaw ka sa magagandang kapalaran, pero sa pag-ayaw mo, mas malalaki at maraming suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-18-23-39-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humihina ang loob mo. Magbabalik ang tapang mo kapag nakakuha ka ng inspirasyon sa mga kakilala mong nagpapakasaya sa kanilang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-21-24-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka kaagad maniwala sa matatamis na salita. Mas maganda kung ikaw ang paniniwalaan ng ibang tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-18-23-27-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mo ang natanggap mong regalo dahil mapabibilang ito sa mga pampasuwerte mo at kapag may nanghingi sa iyo nito, ipagdamot mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-26-31-33-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sumunod ka lang sa agos ng iyong buhay. Hindi mahalaga kung alam mo kung saan ka dadalhin nito, ang pinakaimportante ay sa pagsunod mo, mas lalong gaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-24-25-36-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo kaya walang basehan ang iniisip mong tila pinagdaramutan ka ng langit. Dapat kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-18-29-30-35-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo na gawin ang unang hakbang para maabot mo ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-22-30-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang mga taong inaakala mong hadlang sa iyong mga plano. Panakot lang sila sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-15-34-36.




Comments