top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hirit ni P-Digong na term-sharing, 'di kinagat sa Kamara

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
1 min read

DEDMA pa rin si Rep. Lord Allan Velasco sa 15-21 term-sharing na binasbasan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

‘Yan mismo ang utos ni P-Digong sa cabi­net meeting noong Lunes ng gabi, Hulyo 1!

◘◘◘

ITINAGUBILIN ni P-Digong ang 15-21 term-sharing kung saan mauupo si Rep. Alan Peter Cayetano bilang Speaker sa unang 15 buwan at papalit si Rep. Velasco sa nalalabing 21 buwan.

Ayon sa ating source, inutusan ni P-Digong ang tatlong cabinet secretaries para magtawag sa mga kongresista para sa pagpapa­tupad ng 15-21 term-sharing upang matapos na ang gusot sa Kamara!

◘◘◘

BINIGYAN din umano ni P-Di­gong ng ultimatum si Rep. Velasco dahil itinatatwa nito ang usapang term-sharing kahit kinumpirma na ito ng pangulo.

Sa kabila nito, sinusuway pa rin ni Rep. Velasco si P-Digong!

◘◘◘

IKINAKATWIRAN ni Rep. Velasco na kinukonsulta pa rin niya sina Inday Sara at “Pulong”.

Sa aktuwal, may sariling manok si Mayor Sara na taga-HNP.

Si Cong. “Pulong” naman ay natutukso na rin na maging Spea­ker.

Naiwan sa pansitan si Rep. Velasco!

◘◘◘

SA ibang ulat, kinumpirma ni PDP-Laban President Koko Pimentel ang term-sharing taliwas sa pagtatwa ni Rep. Velasco.

Pero, nagpasubali si Pimentel na dapat si Rep. Velasco ang unang uupo!

◘◘◘

MARAMI pang maaaring maganap sa girian sa Speakership.

Nag-aabang din ng oportunidad si Rep. Martin Romualdez.

Siyempre, kinakabugan ang kanyang “backer” na si alyas Samuel.

He-he-he!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page