Dagdag-singil sa kuryente ngayong Hulyo


NAGBABADYANG tumaas ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong July bill dahil umano sa serye ng pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon.
Pasok umano sa nasabing billing period ang 11 beses na pagsasailalim sa yellow alert at 5 beses na pagsasailalim sa red alert ng Luzon grid. Gayunman, puwede pang mahila pababa ang power rates dahil sa paglakas ng piso kontra dolyar.
Kahit bumaba umano ang overall rate, puwede ring mas malaki ang bayarin ng isang konsiyumer kung tumaas ang konsumo niya sa kuryente. Naitala ang pinakamataas na konsumo sa buong Luzon ngayong taon noong Hunyo 21 dahil sa tindi ng init ng panahon. Noong nakaraang taon, Mayo naitala ang pinakamatinding konsumo sa kuryente.
Samantala, sa Lunes, iaanunsiyo ng Meralco ang pagbabago sa singil sa kuryente ngayong Hulyo. (BRT)





Comments