top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Capability building program ng PCUP, ayos!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2019
2 min read

NAGBIBIGAY ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng iba’t ibang klase ng training at orientation tungkol sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa mga maralita tulad ng pangkabuhayan, pamamahala ng samahan at mga usapin tungkol sa batas pangmaralita.

Ang programang ito ng PCUP ay tinatawag na Capability Building Program (CBP) kung saan binibigyan natin ng sapat na kaalaman ang mga maralita upang magamit ito sa pagpapaunlad ng kanilang pamu­muhay.

Tanong: Magandang araw, nakita ko sa FB page ninyo na mayroon kayong ibinibigay na seminar tungkol sa anti-illegal demolition saka tungkol sa karapatan ng mahihirap kung may kaso ng demolisyon. Kami sa Palawan, gusto rin sana naming magkaroon nito kasi agrabiyado na kami. Sana, mapaliwanagan ninyo kami. Salamat! — Javier

Sagot

Magandang araw din sa inyo, kung ang ating samahan ay gusto ng training tungkol sa mga ganitong usapin, maaari tayong sumulat sa ating opisina at bababaan tayo ng ating area coordinator (AC) para maasikaso ang ating request.

Kadalasan, ang mga pinaprayoridad na mabigyan ng training ay ang mga accredited na urban poor organization (UPO) dahil isa ito sa kanilang prebilehiyo bilang accredited na samahan.

Ang ikinaganda pa nito ay matututukan ng PCUP ang kanilang panlipunang pag-unlad at nakasentro lamang ang training sa kanilang pangangailangan.

Para naman sa mga hindi akreditado, kapag natanggap na namin ang inyong sulat, ang AC ay pupunta sa inyong lugar at makikipagtulungan ito sa lokal na pamahalaan upang likumin ang iba pang lider ng mga maralita na nangangailangan ng naturang training.

Bukod sa seminar sa anti-illegal demolition, mayroon din tayong isinasagawang training para sa pangkabuhayan, pamamahala ng samahan, leadership training, paralegal, kahandaan sa sakuna at iba pang kapaki-pakinabang sa ating lugar.

Sir Javier, kapag napag-alaman ng AC na hindi na kailangang magsagawa ng pormal na training tungkol sa nabanggit dahil mayroon lamang tayong specific na kaso na idudulog, tutulungan na lamang tayo ng PCUP na maresolba ang ating isyu sa komunidad.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page