Ang aking pamilya ay mahalaga Ni: Mark Denzel Pablo


Ang aking pamilya ay mahalaga
dahil sa kanila ako’y pinagpala.
Magulang ko’y himala
ng Diyos at sa aki’y gantimpala.
Ang aking pamilya ay mahalaga,
pagpapayo nila’y aking naaalala.
Para sa aking kinabukasan,
balang-araw dala ko’y karangalan.
Ang aking pamilya ay mahalaga, kahit anong dulot kong ipakita.
Sa tuwing maliligaw ako ng landas pagpapayo nila’y walang wakas.
Ang aking pamilya ay mahalaga.
Ang pagmamahal nila’y hindi ko maikukumpara.
Sa araw-araw at sa tuwi-tuwina
ako’y pinagpala dahil sa kanila.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments