6 timbog sa droga

ANIM na hinihinalang sangkot sa iligal na droga ang arestado sa Caloocan at Navotas Cities.
Ayon kay Caloocan Police Community Precinct 2 Commander P/Maj. Merben Bryan Lago, alas-3:10 ng madaling-araw nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang natanggap na tawag hinggil sa nagaganap na alarm and scandal sa Maypajo, Bgy. 33.
Pagdating sa lugar, napansin ng mga pulis sina John Robinson Mendoza, 25; Dennis Suba, 40, at Jesus Pacursa, 24, na nag-aamok na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Narekober sa mga suspek ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu.
Sa Navotas, timbog din ng mga tauhan ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas sina Marceleno Abellon, 38; Richmon Morales, 27, at Ronald Madrigal, 43, matapos makuhanan ng limang sachets ng shabu ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna sa PLt. Eric Roxas habang nagsasagawa ng surveillance drug operation sa Bgy. NBBN, alas-3:00 ng madaling-araw.





Comments