400 kilos ng botcha, nasamsam
- Mylene Alfonso
- Jul 5, 2019
- 1 min read

AABOT sa 400 kilos ng botcha na manok o katumbas ng 235 piraso na nagkakahalagang P36,000 ang kinumpiska, kamakalawa ng gabi sa Paco Market.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board (Manila VIB) makaraang atasan ni Mayor Domagoso na magpatupad ng Oplan Botcha.
“Itong mga botcha, mga walang permit na pagtitinda ng karne, dahil gusto natin mapangalagaan ang ating mga mamimili na taga-Lungsod ng Maynila,” ani Mayor Francisco ‘Isko’ Domagoso.
Kaugnay nito, binalaan ng alkalde ang mga nagtitinda ng karne na huwag nang subukang magtinda ng mga botcha dahil masasayang lamang ang kanilang mga puhunan.
Sinabi naman ni Dr. Nick Santos, chief ng VIB Food Hygiene and Regulatory Division, na ang mga nakumpiskang botcha ay galing sa Las Piñas City at pinatay ng mga hindi accredited na meat establishment.





Comments