3-anyos patay sa buy-bust operation | HEPE AT 19 PANG PULIS, SIBAK

TULUYANG sinibak sa puwesto ang chief of police ng Rodriguez, Rizal at kanyang 19 tauhan.
Ito ang kinumpirma ni Police Brig. Gen. Edgard Carranza, kaugnay sa pagkasawi ng 3-anyos na batang babae sa buy-bust operation noong June 29.
Ililipat muna sa administrative office and holding unit ng Rizal Provincial Police Office (RPPO) si Police Lieutenant Colonel Resty Damaso at 14 niyang mga tauhan, gayundin ang 6 na pulis mula sa provincial intelligence unit.
Inatasan na rin ni Gen. Carranza na isuko ang mga baril ng mga pulis para sumailalim sa ballistic test para malaman kung sino ang nakabaril kay Kateleen Myca Ulpina, na anak ng drug suspect na si Renato Ulpina.
Ang Calabarzon Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD) ang mangunguna sa imbestigasyon sa kaso.
Matatandaang, maliban sa drug suspect na nasawi, patay din ang pulis na si Police Senior Master Sergeant Conrado Cabiga.





Comments