Titser pinagbabaril ng riding-in-tandem, utas
- Paul Lamsen
- Jul 4, 2019
- 1 min read

ISANG guro ang nasawi makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Dasol, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Robie Marcha, 48, may asawa, tubong Alcala, Pangasinan.
Sakay ng tricycle ang biktima papasok na sa eskuwelahan nang biglang sumulpot ang mga armadong suspek na lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Tama sa ulo at dibdib ang tinamo ng biktima mula sa kalibre .45 na baril na sanhi ng agaran niyang kamatayan.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen habang pinaghahanap ang mga salarin.





Comments