top of page
Pokwang.jpg

Tiniyak ng PNP | LAHAT NG METRO MANILA MAYORS, OUT SA DROGA

Jeff Tumbado
Jul 4, 2019
1 min read

LAHAT ng Metro Ma­nila mayors ay hindi sang­kot sa kalakalan ng iligal na droga.

Ito ang pahayag ni Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) Director Major General Guillermo Eleazar.

Ayon kay Gen. Eleazar, wala silang nasisilip sa kanilang record na involved sa iligal na droga ang ilan sa 17 alkalde sa National Capital Region (NCR).

“Based on our record, wala tayong mayor ngayon na sa record namin is in­volved sa iligal na droga. Hayun gusto kong iklaro yu’n, ah,” saad ni Gen. Elea­zar.

“Sa Metro Manila, ‘yung 17 na mga mayor, nire-review ko, tsine-check, talagang wala,” dagdag pa ng opisyal.

Siniguro naman ni Gen. Elea­zar na patuloy ang pag­mo­­-monitor sa mga lokal na opis­yal at maging sa mga pulis.

“Malaking bagay pa rin ang ating LGU kung paano impluwensiya niya, kung pa­ano niya ipina­kikita ang kan­­yang paglilingkod sa ating bayan at kung papa­ano… dinidiinan niya na: Du’n tayo sa tama at lahat ng ili­gal ay hindi dapat gina­gawa,” giit pa ni Gen. Elea­zar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page