Pulis niratrat, dedo

PATAY ang isang miyembro ng Philippine National Police matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa National Rd., Purok 8, Bgy. Longos, Kalayaan, Laguna.
Pasado alas-7:00 ng gabi, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si PSSgt. Dante Anavieza, papunta sa Paete Municipal Police Station nang sundan ito ng mga suspek.
Bumunot ng baril ang angkas nito at paglapit sa biktima saka pinagbabaril bago nagsitakas.
Patuloy na inaalam ang motibo at nasa likod ng pagpatay.





Comments