Para makaiwas sa ‘fake news’ Matalinong paggamit ng social media, ituro sa mga mag-aaral!

HALOS lahat ng tao ay sa social media na nakapokus kung saan mapabata o matanda man ay hindi nahuhuli sa trending news.
Kaya ngayong pasukan, ipinanukala na pag-aralan sa elementarya at high school ang subject kung saan tatalakayin ang ‘social media awareness’.
Ito umano ay para maging responsable ang mga mag-aaral sa paggamit ng social media, lalo na ngayong may mga senaryong ginagamit ito sa maling paraan kaya imbes na makabuti, eh, nakasasama pa para sa kanilang kinabukasan.
Sa totoo lang, kapaki-pakinabang ang iba’t ibang social media applications tulad ng Facebook, Instagram, YouTube at iba pa dahil sa pamamagitan nito, mas madali ang mga bagay-bagay para sa atin, lalo na para sa komunikasyon at kung magkakaroon ng social media awareness, mas maaagapan ang pagse-share ng mga post na hindi dapat i-share, gayundin, ang mga balitang walang katotohanan.
Dagdag pa rito, dahil dito, maiiwasan ang panloloko at mamumulat ang kabataan sa tunay na halaga ng social media at kung paano ito dapat gamitin.
Gayunman, okay lang maki-hashtag, mag-update ng status at humugot, basta palagi nating tandaan na ang paggamit ng social media ay may limitasyon.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.





Comments