Liaison officer sa senate, 10 pa timbog sa droga
- Maeng Santos
- Jul 4, 2019
- 1 min read

NASA 11 hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang liaison officer sa Senate ang arestado sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Valenzuela City.
Sa nakarating na ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Carlito Gaces, alas-11:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan, Jr., sa Ilang-Ilang St., Karuhatan sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto kina Eusebio Munar, 48, ng Senate Transport Cooperative; Robert Pamilar, 19, at Richard Eliano, 21, pusher.
Narekober sa mga suspek ang tatlong sachets ng hinihinalang shabu, P200 buy-bust money at P200 bill.
Alas-10:30 ng gabi nang madakip din ng mga operatiba sa buy-bust operation sa kahabaan ng Alley C. Molina St., Bgy. Viente Reales sina Jessie Sumaria, 31; Romar Mercene, 29; Reymark Mauricio, 19; Julito Cometa, 18, at ang 17-anyos na binatilyo. Nakumpiska ng mga operatiba ang coin purse na naglalaman ng limang sachets ng shabu, tatlong sachets ng marijuana at P200 buy-bust money.
Timbog din sina John Paul Solomon, 24; Junel Suicon, 23, at Zyron Manabat, 29, sa buy-bust operation sa Road 4, Diam St. Gen T. de Leon, alas-3:00 ng madaling-araw. Narekober sa mga suspek ang coin purse na naglalaman ng pitong sachets ng shabu at P300 cash.





Comments