Kay Michael V. lang daw pumayag… DAWN, UMAMING MARAMING TINANGGIHANG MOVIES


MATAGAL nang walang pelikula or teleserye man lang si Dawn Zulueta, na kung ‘di kami nagkakamali ay si Vic Sotto pa yata ang huli niyang nakatambal sa movie.
Kaya masaya kaming nakita siya uli sa grand mediacon ng pelikulang Family History na ang ka-partner niya ay si Michael V. a.k.a. Bitoy.
During the Q&A portion ay sinabi ni Dawn na hindi na showbiz ang priority niya ngayon kundi ang pamilya niya. Kahit marami na raw inaalok sa kanya na mga projects, teleserye man o pelikula, tinatanggihan daw niya dahil hindi niya gusto ang material.
“Maraming offers, pero hindi ako nae-excite, hindi ako natsa-challenge,” Dawn even added.
Itong Family History lang daw talaga ang nakapasa na gusto niyang gawin.
Dahil kaya kay Michael V. and shall we say move over, Richard Gomez, na swak na swak katambal ni Dawn?
Hindi lang daw dahil kay Michael V. na isa sa mga fave niyang comedians ng Pinoy showbiz. Mas tinitingnan na raw niya ngayon ang kuwento at kung ano ang role niya, at so far, itong Family History ang nakapasa sa kanyang panlasa at gusto niyang gawin.
Pero sa totoo lang daw, mas mabuting mag-focus na siya sa pamilya niya dahil lumalaki na ang mga anak nila ni Anton Lagdameo.
“Ang atensiyon ko ngayon, sa mga bata na rin, eh, because teen-ager na rin ‘yung anak ko. I figure, maybe there’s a reason din kung bakit nawawala na ngayon ang interes ko sa trabaho because I have also to attend to them.
“‘Yung boy ko, he’s gonna be turning 14, so nagbibinata na. Marami nang mga tanong. I need to be more present.
“If there’s a nice project naman, I might make the time for it. Hindi ko na priority ngayon, eh, family muna talaga.”
Kunsabagay, wala na rin kasi siyang kailangang patunayan pa. Kaya puwede na talagang umayaw sa project na hindi niya gusto at umokey sa talagang gusto niyang gawin.
‘Niwey, showing na ang Family History this coming July 24 in theaters nationwide, from the story/script and direction ni Michael V. na siya rin ang lead actor, in pernes, at isa rin sa mga producers, devah naman, Dawn Zulueta?
‘Yun na!





Comments