KAHIT OLATS SA RUSSIA, BATANG GILAS, MAY NEXT ROUND PA
- Alvin Olivar
- Jul 4, 2019
- 1 min read

MASAKLAP na naman ang inabot ng Batang Gilas sa 2019 FIBA Under-19 World Cup, nang talunin ng Russia, 64-92 kahapon ng madaling araw (Philippine time) sa Heraklion Indoor Sports Arena sa Greece.Bagamat natalo ay nagpamalas pa rin sina Kai Sotto at Dave Ildefonso ng kanilang kakayahan at kagitingan bilang Pinoy sa bisa ng 14 puntos, 7 rebounds at 6 blocks habang ang huli ay may 14 puntos, 6 boards, 5 assists at 2 steals.
Pero, ang lahat ng iyan ay nabalewala nang ganap na kontrolin ng Russian ang tsansa ng Pilipinas para sa group stage win. Walang lingon-likod na rumatsada ang Russia hanggang final buzzer, lumarga pa ang pamumuno sa nalalabi na lamang na 28 minuto.
Bago kumulapso ang oras, dumagdag pa si Carl Tamayo ng 12 puntos at 5 rebounds para sa Batang Gilas na nabigong matapatan ang tikas ng mga higher-ranked Greece, Argentina at Russia. Pero wala nang dapat na sayanging oras ang Pinoy kapag naharap na sa Round of 16 kontra world no. 4 Serbia. Nagsimula sa knockout phase ang torneo simula kagabi. BOX SCORES RUSSIA 92 - Ershov 21, Mikhailovskii 16, Kvitkovskikh 12, Dolinin 10, Kadoshnikov 9, Petenev 8, Vedishchev 6, Shcherbenev 5, Konovalov 3, Sorokin 2, Baryshev 0, Goldin 0. PHILIPPINES 64 - Sotto 14, Ildefonso 14, Tamayo 12, Amsali 9, Abadiano 5, Spencer 5, Chiu 3, Fortea 2, Oczon 0, Torres 0, Panopio 0.
QUARTER SCORES: 28-15; 49-30; 72-50; 92-64.





Comments