top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Hulyo 04, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 4, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 4, 2019 (Huwebes): Akala ng iba, mahina ka dahil sobra kang mabait. Ang hindi nila alam, ito mis­mo ang dahilan kung bakit ang mga biyaya at pagpapala ay sumasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Babagal ang kilos mo para sa pagpa­pa­lago ng kabuhayan at bibilis ito sa pagpa­pa­tibay ng relasyon sa iyong mga minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-24-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mabuti ang hindi nagbi­bigayan. Dito sa mundo, mas sumusulong ang nagbibigay. Ito ang tunay na diwa ng pagkaka­una­waan. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-18-21-25-30-36-42.

GEMINI (May 21- June 20) – Dagdag na lakas ang mapasasaiyo mula sa mga nagma­mahal sa iyo. Magaga­mit mo ito para mas lalo pang umabante ang buhay mo. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-17-20-29-35-41.

CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na da­rating. Nakatakda ng mag­daratingan sa buhay mo ang nakamamang­hang magagandang kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-22-26-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tu­lad ng tupa, ikaw ay magi­ging maamo. Dahil dito, malaki ang po­sibilidad na maging ma­lam­bot ang puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-27-34-36-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipinapayo ng iyong kapala­ran, ngayon ang pinakamagandang pana­hon ng pagsusuri at pag-aaral sa iyong mga plano para sa iyong kinabuka­san. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-24-26-35-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapapansin mo sa iyong sa­rili na parang bigla kang tinatamad. Ito ay dahil ang suwerte mula sa bago mong kakilala ay makukuha mo kaya hindi mo na kailangan magsi­kap pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-17-20-24-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang panini­wala mo, panin­di­gan mo. Hahanga ang la­ngit at pagkakalooban ng hindi mabilang-bilang na regalo ang mga taong na­bu­buhay sa prinsipyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-22-35-39-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong mala­ma­ngan ka ng ka­pwa mo. Hindi kabawa­san sa pagkatao mo kung ikaw ay paminsan-minsang nai­isa­han. Ito ang mensa­he ng iyong kapalaran sa nga­yon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-15-21-28-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magka­ka­mabutihan at magma­ma­­halan ang naaawa at ang kinaaawaan. Mangyayari ito sa buhay mo dahil noon pa ito itinakda ng kapala­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-7-19-25-27-36-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagba­ba­lik ba sa sa­riling pugad ang nagtampong ibon? Oo, ang sagot. Muli kayong magkakabalikan ng iyong karelasyon. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-13-18-27-28-31-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalo pang ga­ganda ang iyong kapalaran. Ga­yunman, may kapalit ito na hindi ma­ganda. Ito ang men­­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng ku­lay-vio­let. Tips sa lotto-7-10-12-17-24-31.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page