top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Walang charot 'yan! COMEDIENNE-TV HOST, KASAL NA, 'DI PA RIN KUNTENTO, NAKIKIPAGDYUG PA SA M

Erlida Rapadas
Jul 3, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

LABIS na ipinagtataka ng ilang showbiz observers kung bakit parang hindi kuntento sa kanyang married life ang comedienne-TV host. May sarili na itong pamilya at kasal na sa isang non-showbiz guy. Mukha namang masaya at hindi problemado sa kanyang buhay ang komedyana. May career din siya dahil may regular show siya ngayon sa isang network.

Pero, may sikreto siyang kahit na anong tago ay nabubuking din ng mga taong nasa kanyang paligid. Aakalain mong maligaya at fulfilled na ang comedienne, pero suma-sideline pa rin daw ito sa ilang kasamahang male stars.

Sobrang disimulado nga lang at hindi halata na may “something” na nagaganap at may misteryong itinatago ang komedyana. Ang galing kasi niyang magtago at hindi mahahalata na nagpapabebe siya at nagpapa-cute sa kanyang mga co-stars.

Ang siste, mismong ang kanyang mga sideline na nakakarelasyon ang nagku­ku­wento ng kanyang lihim. Fling-fling lang naman daw at hindi seryosong relasyon ang nagaganap. Nagkakati­kiman lang at walang commitment na involved.

Pero, hindi nga aakalain ng marami na may ganu’ng trip ang comedienne-TV host dahil parang good girl ang image nito sa publiko at super friendly lang sa mga kasamahang aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page